Una sa Balita

UAAP: UP, Ateneo magkasalo

By
0 71

Pinaluhod ng wo­men’s titleholder University of the Philippines at Ateneo ang kanilang mga nakalaban sa UAAP Season 80 badminton tournament.

Binokya ng Lady Maroons ang UST 5-0 at sa 2-0 record ay ­inakbayan sa unahan ang Lady Eagles na 4-1 winner sa National University sa Rizal Memorial Badminton Hall noong Linggo.

Nagtala ng mga pa­nalo sina reigning MVP Poca Alcala, Mary Ann Marañon at Jeline Masongsong sa singles play para sa UP, wagi sa doubles ang tandems nina Jessie Francisco at Lea Inlayo, at  Marina Caculitan at Pauline Santos.

Sumakay ang Ateneo kina Bianca Carlos at Cassie Lim sa singles, at sa doubles kina Carlos at Trixie Malibiran at Geva de Vera at Chanelle Lunod.

Sa isa pang tie ay ibi­naon ng Adamson ang UE 4-1. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy