Una sa Balita

Tyra Banks bumilib sa emote ni Lustre

0 397

Nagbunyi ang fans ni Nadine Lustre nang malaman nilang nag-like ang supermodel na si Tyra Banks sa pinost nilang video ng kanilang idol via Twitter.

Ito ay ang photoshoot ni Nadine para sa Mega magazine kunsaan may ginawa itong mahirap na pose at pang-America’s Next Top Model ang dating.

Pinost ng netizen sa Twitter ang video na ito ni Nadine at nilagyan ng caption na: “MISS NADINE LUSTRE DID THAT”.

Tinag nila kay Tyra Banks ang video na may caption na: “Wow!!! Fierce pang America’s Next Top Model @tyrabanks”.

Dahil aktibo sa social media si Tyra kunsaan nakaka-discover siya ng aspiring models via Facebook, Twitter at Instagram, hindi naman nag-atubiling mag-like agad si Tyra sa fierce pose ni Nadine.

Parang nag-celebrate ang mga tagahanga ni Nadine dahil approved kay Tyra ang post na nakakuha na ng 1.8 million likes.

Heto ang reaction ng fans:

“Oh my God! Miss @tyrabanks LIKED!”

“I was too late but say it anyway NEXT LEVEL FIERCE”.

“Nadine Lustre has perfect balance because she has perfect body proportions.”

“With heels, i can’t even walk with heels. Lol” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More