Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Type umekstra sa ‘Ang Probinsyano’: Cardo Dalisay ginawan ng kanta ni Arnel Pineda

0 72

Inanunsiyo ni Arnel Pineda sa Instagram na maglalabas siya ng single na pinamagatang ‘Cardo Dalisay,’ hango sa karakter ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Star Music ang nagprodyus ng naturang single at mapapakinggan na ng publiko sa darating na Abril 9.

Biro ng lead singer ng Journey sa kanyang post, “Kunin kaya akong extra ni Cardo Dalisay? Kahit tagahawak lang nung baril niya!”

Kingat naman ng mga fan ang pahayag ni Arnel at sinabing bagay siya sa serye.

SM food to go Banner Ad

Komento ni @miracatandijab73, “Pwedeng pwede sir @arnelpineda. You are deserving. Glad to see you acting.”

“Pwede! Paging Cardo Dalisay,” ani @brightangel9222.

Ang “Cardo Dalisay” ang pinakabagong kantang mapapakinggan ng viewers ng serye pagkatapos ng original songs tulad ng “Ang Probinsyano” nina Ebe Dancel and Gloc-9 at “Ililigtas Ka Niya” ni Gary Valenciano.

Abangan natin kung magkatotoo ang biro ni Arnel na makapasok siya sa hit serye na patuloy na namamayagpag hanggang ngayon.

Patuloy na panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV, at iflix. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.