Una sa Balita

Two Timer kikilatisin sa MARHO race

0 217

MAKIKILATIS ang tikas ni Two Timer sa 24th MARHO Breeders’ Championships na pasisibatin sa Race 7 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sakay si class A rider JA Guce, mapapalaban nang todo si Two Timer sa event na may distansyang 1,300 metro.

Tiyak na magiging mahigpit na karibal ni Two Timer sina Doktora, Harapin Ang Bukas at Hardliner na magaganda ang performance sa kanilang mga huling takbo.

“Lamang sa laban si Two Timer pero marami siyang makakalaban diyan na magagaling tulad nina Doktora at Refuse To Lose,” hayag ni Efren Galindo, veteran karerista.

Ang ibang kalahok ay sina Gintong Tubig, Sheer, Chocolate Thunder, Melody Amor, Sheltex Magic at Highway Hills sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy