Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Twitch streamer kumita ng $16K habang tulog

0 84

Kaya mo bang kumita habang natutulog? Ito ang pinatunayan ng isang online streamer nang matulog siya sa Twitch, isang live streaming platform para sa mga gamer.

Nauuso ngayon ang sleep streaming sa iba’t ibang mga social media platform. Kabilang sa mga sikat sa online na sumubok nito ay si ‘Asian Andy’, 26-anyos mula sa Los Angeles.

Sa kanyang sleeping event, hinikayat ang iba pang Twitch user na magbigay ng donasyon para sa ingay na iistorbo sa kanyang tulog.

Marami sa mga viewer nito ang nagbigay ng mensahe sa text-to speech recognition na na-set ni Andy, na nagpadala naman sa kanya ng malakas na music.

Mayroon din umanong mga viewer ang nagbigay ng ingay ng tahol ng aso habang ang ilan ay ginising si Andy sa pamamagitan ng alarm.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa YouTube video ni Andy na may pamagat na ‘How I made $16000 while sleeping for 7 hours’, makikita kung paano naging maingay at inistobo ang kanyang pagtulog.

Nagulat naman si Andy sa naging ‘kabaitan’ ng kanyang mga viewer kahit pa naistorbo siya sa pagtulog.

Nagpasalamat si Andy sa mga viewer niya na nakapag-donate ng $16,000 o tinatayang nasa higit P770,000 kasabay ng kanyang rebelasyon na dati siyang Uber driver na kumikita ng $16 kada oras.

Umani ng iba’t ibang komento ang video ni Asian Andy, ang iba ay hindi pa rin makapaniwala na kayang kumita ng pera habang tulog – sa literal na kahulugan.

Mayroon nang higit 4 milyong views ang YouTube video ni Andy. (Gel Manalo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.