Una sa Balita

Twinkill sa Air Force batters

By
0 4

Nilipad ng Air Force ang dalawang pares na panalo upang manatiling nasa ibabaw ng Club at Open men’s divisions ng Cebuana Lhuillier-Asaphil Summer Grand Slam National Open Fast Pitch softball tournament sa Cabuyao, Laguna.

Niratrat ng Airmen ang San Ildefonso Bulacan, 5-2 upang manguna sa Club division tangan ang 3-0 mark habang sa Open class squad, binanatan nila ang Jk.com Zamboanga, 3-0 para pahabain naman ang kanilang win run sa tatlo sa week-long event na may 46 teams nationwide.

Binalandra naman ng San Rafael, Bulacan ang Entom Tigers, 7-0 upang tapatan ang mainit na umpisa ng Air Force habang tinaob ng RTU ang Cabuyao, 10-3.

Sa women’s play, dinagit ng Adamson Lady Falcons ang pang-apat na sunod na panalo matapos kalmutin ang Tanza, Cavite para sa three-way tie kasama ang University of the East Lady Warriors at Philippine Youth team.

Nagwagi rin ang Manila Team laban sa Tanza, Cavite, 8-4, nilapa ng National University ang host Cabuyao, 4-3.

“At this point, it’s hard to tell which team will take home the championship title so I just wish everyone the best of luck and may they all be able to show all their skills and play each game to the best of their abilities,” saad ni Asaphil and Cebuana Lhuillier president Jean Henri Lhuillier.