Una sa Balita

Tweet ni Kyle ‘pagpapakamatay’ ikinatakot ng mga fan

0 504

Isang nakakabigla at nakakaalarmang tweet ang bumulaga kahapon sa mga follower ng Gold Squad star na si Kyle Echarri.

“SUICIDE IS REAL! Pls people check on your loved ones” tweet ni Echarri.
Nagkagulo ang mga follower ng batang aktor sa Twitter, napaisip kung sinong malapit kay Echarri ang nagpakamatay.

Maliban sa tweet ni Echarri, may ibinahagi rin ito sa kanyang Instagram story kaugnay sa kaibigang nawawala.

Ayon sa post na ibinahagi ng aktor, nawawala ang kaibigan niyang nagngangalang Christian Durano Lumapas, 16-years old, na huling natagpuan sa BTC Banilad sa Cebu.

Makalipas nga ang ilang oras ay bigla na itong nag-tweet tungkol sa pagpapakamatay.

Palagay ng mga fan, ang 16 year old na nawawala ang tinutukoy niya sa tweet na nagpakamatay.

Nag-alala ang mga fan sa kalagayan ng aktor dahil labis nga itong naapektuhan sa pagkamatay ng kaibigan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy