Una sa Balita

TV5-MVP pananagutin ng MTRCB sa rambulang Gilas-Australia

By
0 4,523

Mainit pa ring pinag-uusapan ang insidente sa FIBA noong Monday kung saan ang basketball game ay naging ‘basket-brawl’.

Trending pa rin nga ang nangyaring gulo sa ating GILAS team versus Australian team.

Napanood din sa live coverage ng TV5 ang nasabing ‘basket-brawl’ at hindi nga raw itinigil ‘yon, kaya ang tanong ngayon ay kung may pananagutan ba sa MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board) ang nasabing television network?

Noong isang araw ay tinext ko si MTRCB Chairwoman Rachel Arenas para tanungin tungkol doon at kaagad naman siyang nag-reply.

“The Adjudication Committee will summon them,” text back ni Chairwoman Rachel.

So, abangan na lang ang susunod na kabanata… 

Benjie boto kay Joyce para kay Andre

Kahapon habang magkasama kami ni Manay Lolit Solis sa parlor ni Bambbi Fuentes, dumating ang alaga niyang si Benjie Paras. Ang anak niyang si Andre Paras na backstage host ng The Clash na magpa-pilot sa GMA 7 bukas ang napag-usapan namin.

Sabi ko kay Benjie, mukhang bagay ang anak niya kay Joyce Pring na ka-tandem nito sa singing competition show ng Kapuso network. Hanga nga raw si Benjie sa galing din ni Joyce, pero sumingit si Manay Lolit.

“Naku, ‘di ba, boyfriend ni Joyce si Sam YG? ‘Yon ang alam ko, ‘noh?” sey ni Manay Lolit.

Natawa na lang si Benjie dahil mas nauna pang nag-react si Manay Lolit, huh!

Inusisa naman ni Manay Lolit si Benjie tungkol sa love life ni Andre.

“Wala,” sey ni Benjie.

Naku, kung wala kayang Sam si Joyce ay puwedeng ma-link ang dalawa?

Well…

Samantala, kuwento pa ni Manay Lolit, bilib daw siya kay Joyce dahil ang lakas-lakas nito kay Dra. Vicki Belo. Si Joyce lang daw kasi ang puwedeng gumising kay Scarlet Snow Belo sa tuwing dumadalaw ito sa bahay.

“Si Joyce kasi, kahit tulog si Scarlet, ina-allow siya ni Dra. Vicki na gisingin ‘yung bata. Pero kapag iba, sinasabi niya na hintayin na lang magising ang bata.

“Ewan ko nga kung bakit ang lakas-lakas niya kay Dra. Vicki, ha!” dagdag pang tsika ni Manay Lolit. 

Lolit mabait kay Kris ngayon

Naku, tsinika-tsika ko pa rin si Manay Lolit tungkol naman kay Kris Aquino.

Pero behaved daw muna si Manay Lolit dahil ang pangako nga raw sa kanya ni Kris kapag ‘good girl’ siya ng two months ay may additional 25k GCs gift sa kanya ang former TV host (teka, pareho lang pala silang former TV host. Hahaha).

“Siyempre, behaved pa rin ako. Kasi sabi, sa last week of this month pa ang additional GCs ko, so, hindi ako puwedeng mag-comment ng anything.

“Pinuri ko pa nga siya sa pa-raffle niya, ‘di ba?!” sey ni Manay Lolit.

So panay ba ang promote niya sa I Love You, Hater movie kung saan support si Kris ng JoshLia love team nina Joshua Garcia at Julia Barretto?

“Bakit ako magpo-promote? Ang sabi lang naman ni Kris kailangan behaved ako for two months, wala naman sa usapan namin na ipo-promote ko ang pelikula niya, ha!” hirit pa ni Manay Lolit.