Una sa Balita

TV host/aktres na si Imee Hart, bagong Miss PH Earth!

By
0 13

Ang 21-years old Filipina-German beauty na si Imelda Schweighart ang idineklara na winner ng Miss Philippines Earth 2016 sa coronation night na ginanap noong Sabado sa UP Theater.

Si Schweighart ang representative ng Palawan sa Miss Earth Philippines at siya ang official delegate ng ating bansa sa Miss Earth 2016 na magaganap sa October 2016.

Hindi baguhan sa pagsali sa mga beauty contest si Schweighart dahil kabilang ito sa Top 15 finalists ng Bb. Pilipinas 2013 at siya ang nanalo ng Bb. Pilipinas-PAGCOR special award.

Para sa mga nakakalimot, sinubukan din noon ni Schweighart na mag-artista. Ginamit niya ang screen name na Imee Hart, napanood siya sa Bagets ng TV5 at naging co-host ni Willie Revillame sa Willing-Willie noong 2010 hanggang 2011.

Walang nagprotesta sa panalo si Schweighart dahil siya ang favorite candidate ng mga mahihilig sa beauty pageant.

Bukod sa maganda, confident na confident si Schweighart sa final question and answer portion at sa kanyang tila rehearsed na sagot na, “My climate change advocacy is banning geneti­cally modified organisms (GMO) and genetically modified seeds, because I believe in natural food in order to feed our mind, body, and soul.

“So if we really want to feed our minds and become smarter, let’s support banning GMO, President Duterte. At the same time, I would like to encourage him to put bike lanes here in Manila, and I would take him to Puerto Princesa and I would show him how clean our place is,” sa tanong na “If you had the chance to talk one-on-one with president-elect Duterte, what assistance would you ask from him on your climate change advocacy?”

May mga suspetsa na alam ng Miss Philippines Earth 2016 finalists ang itatanong sa kanila ng host na si Robi Domingo dahil hindi sila nahirapan sa pag-iisip at tila praktisado na nila ang mga isasagot.