Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

TV host umepal sa nagwalang anak ni Oca Orbos, binakbakan

0 44

Umapela sa publiko ang Filipino-British TV host at motoring expert na si James Deakin na huwag idamay ang buong angkan ni Franz Luke Orbos sa naging kapalpakan nito.

Aniya, hindi makatarungan na makaranas ng bashing ang pamilya Orbos sa kasalanan ng isa nilang miyembro.

Si Orbos ay anak ni dating executive secretary at ex-Pangasinan governor at Representative Oscar Orbos. Pamangkin din siya nina dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Thomas “Tim” Orbos.

Personal aniya niyang kilala ang tiyo ni Franz Luke dahil nakatrabaho niya ito sa MMDA.

Wala rin aniyang bahid ang imahe ng ama ni Franz Luke gayundin ang karakter ng tiyo nitong pari.

Noong Hulyo 14, 2021, nag-viral sa social media ang batang Orbos matapos nitong magwala, lumaban at ipagyabang sa mga miyembro ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) kung sino ang kanyang ama.

Dahil sa pag-epal sa kaso ay nakatikim ng pangba-bash si Deakin.

Komento ni Defiant 2 : Anong papel ni Deakin dito? Spokesperson?Atty ?PR damage control? Kunsintidor? Buti na lang at na-video.

Sabi naman ni Opinionated: Don’t stick your nose in matters that don’t concern you, Deakin. Only politicians do that. Unless you aim to run for office on day.

Samantala, nag-sorry kamakailan si Orbos at nangakong haharapin ang kasong idinulot ng nasabing kaguluhan. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.