Una sa Balita

TV host, palihim na nanganak?

0 13

Nanganak daw ba ang isang TV host na ilang buwan lang nawala sa regular niyang programa?

“Baka buntis na nang umalis sa show?” rason sa amin ng nagtanong.

Komento pa ng nagtanong sa amin, medyo tumaba raw ang TV host. Kadalasan daw ‘pag nanga­nganak ang isang babae ay nadadagdagan ang timbang niya.

Sa amin naman, okey lang kung nanganak siya. Pero ang ikinawindang namin ay nang sabihin kung sino ang pinaghihinalaang ama, huh!

Ruru, ‘di pa sure  sa Encantadia!

Wala sa utak ni Ruru Madrid na pasukin ang pulitika kahit na nga sa political romantic co­medy na Naku, Boss Ko! mula sa GMA News & Public Affairs ay bagitong kandidato ang role niya.

Ayon sa Kapuso aktor, mas gusto niyang maging director. Pero kahit paano ay meron siyang kamalayan sa estilo ng pulitiko sa bansa.

Nagbabalik nga ang loveteam nina Ruru at Gabbi Garcia sa NBK. Eh, kelan lang ay may naglabasan na mapapasama sila sa remake ng Encantadia. Agad pinabulaanan ng dalawa na nasa main cast na sila.

“Ahh, ‘yung nag-leak? Sa audition po ‘yon,” rason ni Gabbi.

Biro tuloy namin, maang-maangan school of acting ang alam nila, huh!

“Lahat po ng nag-audition, pinagsuot po ng costumes. ‘Yung sa amin ni Rocco, parehas lang kaming naka-black talaga. Pramis, walang biro!” tugon naman ni Ruru.

Wala mang kumpirmasyon sa casting ng fantaserye, gusto rin ng Gab-Ru loveam na mapabilang sa cast.

“Nu’ng una, wala sa isip ko na mag-audition pero sobrang gusto ko. Pero inisip ko kasi, ‘yung ibang nag-audition ng Ibaro, malalaki ang katawan. Sabi ko, anong panama ko?

“Kumbaga, nag-try na rin ako,” lahad ng Kapuso actor.

Anyway, walong araw lang mapapanood ang Naku, Boss Ko! simula sa Abril 25.

Mark N., tutok sa Visita Iglesia at  Alay Lakad ngayong Holy Week!

Lunes Santo ngayon. Ilang araw pagkatapos ay kanya-kanyang layas na sa Metro Manila. Ito rin ang oras na nagri-recharge ang karamihan sa ating artista.

Si John Lapus, sa Japan ang biyahe. Gusto naman niyang paligayahin ang sarili matapos sagarin ang katawan sa trabaho.

Pero bilib kami kay Mark Neumann nang tanungin namin ang plano niya nga­yong Holy Week.

Bukod sa Visita Iglesia na ginagawa, meron din siyang Alay Lakad ‘pag Biyernes Santo.

Nagsisimula siya sa pag­lakad kasama ang mga kamag-anak sa SM North Edsa at diresto sa Antipolo church, huh!

To think na half Pinoy, half Croatian si Mark, huh! Ewan lang namin sa sarado Katolikong artista natin kung may mga panata sila kapag Mahal na Araw, huh!