Una sa Balita

Tutol sa pederalismo dapat pakinggan ng administrasyong Duterte

By
0 898

Dapat maisaalang-­alang ng administrasyong Du­terte ang pananaw at pulso ng mga mamamayan sa usapin ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ito ang binigyang-diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Co-Convenor of the Movement Against Tyranny kaugnay sa paninindigan ng mamamayan sa pagsusulong ng kasalukuyang administrasyong sa pagpapalit ng sistema ng pamamahala sa bansa mula sa demokratiko patungong pederalismo.

Sinabi ng madre na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang pana­naw at opinyon ng mga mamamayan dahil malak­i at mayroong direktang epekto ang pagpapalit ng paraan ng pamamahala sa bansa sa buhay ng bawat Filipino.

Nangangamba si Sr. Mananzan na malaki ang posibilidad na tuluyan nang ipagsawalang bahala ng pamahalaan ang posisyon ng mamamayan at igiit na walang sapat na pagtalakay at konsultasyon sa mamamayan.

“Hindi ba nagkaroon na ng survey na 66 percent ayaw ng Federa­lism, bakit hindi sila makinig doon kung it is favorable to them the survey then they well say ‘ang taas-taas ng survey namin’ pero kapag ang survey is against what they want papaano yun diba? sa akin it is going to run done in our throats and people will not know what they are going to vote for,” pahayag ng madre.