Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tutok sa negosyo: Derek, Ellen ayaw nang mag-artista

0 672

Mukhang naka-focus ngayon sa business ang bagong mag-asawa na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.  Nag-post nga si Derek ng picture at logo ng “Tigercon.”

Wala pang detalye pero, sa caption nito, sinabi niyang, “Our new venture as husband and wife! Thank you Lord!!!”

Tila wala pang planong bumalik sa pag-arte mapa-teleserye man o pelikula si Derek. Nagsimula na hindi tumanggap ng kahit anong work sa telebisyon si Derek nang magkaroon ng pandemic at halos dalawang taon na, pero mukhang wala pa rin itong balak na bumalik anytime soon.

Nang may magtanong kasi rito kung may gagawin ba siyang teleserye, sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot niya.

Kahit hiwalay na: Maxene todo chika sa magulang ni Robby

Tahimik pa rin si Maxene Magalona sa balitang hiwalay na sila ng asawang si Robby Mananquil. Si Robby ay nasa Indonesia pa rin habang si Maxene ay matagal na rin na nasa bansa.

Parehong advocate ng yoga at ilang mental healing practices ang dalawa. Pareho rin sila na ayon sa kanila ay mga trauma survivor.

Sa kabila ng isyung hiwalay na sila, bukod sa kasama ni Maxene ang pamilya ng asawa noong Christmas, sa recent Instagram post niya ay nag-post ito ng picture niya kasama ang mga magulang ng Mister kunsaan ay nakasama niyang mag-dinner noong New Year’s eve.

Minsan nang nag-open-up si Maxene na ang mommy ni Rob ay may malaking part sa naging pagharap niya noon sa mga trauma niya in life. At kung totoo man na hiwalay na nga silang dalawa, walang-duda na maayos at okay pa rin si Maxene sa mga magulang ng Mister.

Sa mahabang post nga niya, binigyang honor niya ang mga ito. Aniya, “Family isn’t always about blood. It’s the people in your life who want you in theirs; the ones who accept you for who you are. The ones who would do anything to see you smile and who love you no matter what.”

Sinabi rin ni Maxene na tuwing kasama niya raw ang mga ito, marami siyang natutunan at nagi-enjoy sa mga jokes ng father-in-law niya.

At sey niya, “I just want to take this moment to show my love and gratitude for two of the kindest and most unconditionally loving souls that I’ve ever met in this lifetime. I wouldn’t be the person I am today if not for them. The love that they have for me and their children is just so pure and rare which is why I would like to honor and share it.”

‘Yun nga lang, talagang back to Magalona na lang muli ang profile name niya at naka-unfollow pa rin sila sa isa’t-isang mag-asawa.

Paolo dedma sa b-day ng anak ni LJ

Dahil sa birthday greetings ni LJ Reyes sa anak na si Summer, ang daming netizen at mga kapwa celebrity ang bumati rito sa Instagram ni LJ.

Pero kasabay nito, may mga netizen din na nagtatanong kung paano naman daw ang Daddy ni Summer, bumati rin daw or naalala rin daw kaya ang birthday ni Summer.

Siyempre, may mga nagbanggit at nag-mention na naman ng “As a Friend in Baguio & Boracay” with Yen Santos at baka raw busy pa.

Pero for sure naman, naaalala ni Paolo kung hindi man niya publicly binati ang anak nil ani LJ.

‘Yun nga lang, wish pa rin namin na sana sa ikatlong anak na babae ni Paolo, which is si Summer nga, sana maiba naman, hindi matulad sa halos kawalan na ng relationship o communication niya bilang tatay tulad sa dalawang anak niyang babae kay Lian Paz.

Marami naman ang na-inspire sa birthday greetings ni LJ kay Summer na ayon dito, “God sent angel”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.