Una sa Balita

Turo-turo

By
0 854

Mukhang hindi na hihintayin na mag-Hunyo bago tuluyan lisanin ni Cesar Montano ang Tourism Promotions Board (TPB).

Personal nang hiniling mismo ni Pangulong Duterte kay Montano na maghain na rin ng kanyang pagbibitiw sa puwesto bukas, araw ng Lunes.

Ayon pa sa nakarating sa akin na impormasyon, umiyak umano si Montano sa harap ni Duterte.

Ito ay kaugnay nang balita na binayaran na ng TPB ng P80 milyon ang Marylindbert International para sa proyekto na ‘Buhay Carinderia’ kahit ‘di pa naiimplementa ang programa.

Pero sa naging pana­yam namin ni Ali Sotto sa programang Dobol A sa Dobol B sa Super Radyo DZBB 594 khz., tinuro ni Montano na ang utak ng ‘Buhay Carinderia’ project ay ang nag-resign na Tou­rism Sec. Wanda Teo.

“Ipinatawag niya (Teo) ako sa opisina at ipinakilala niya sa akin si Linda Legazpi,” ayon kay Montano. “Pinirmahan ko ‘yung sponsorship nang may reservation dahil masyadong mabilis ang pagpapalabas ng tseke.”

Turo-turo na talaga ‘pag may karinderya.

Tama lamang na alamin ng Commission on Audit, batay sa request ni bagog Tourism Sec. Berna Puyat, kung bakit hindi dumadaan sa pro­seso ng bidding ang sponsorship ng TPB?

Lumilitaw na simula noong ito ay itatag ay nagiging gatasan na lamang ng mga opisyales ng gobyerno.

Lord Ikaw na po ang bahala.

BALITAWIT:

NAIS KONG MALAMAN MO (The Boyfriends)

Kay sarap punitin

tunay mong larawan walanghiya!!!

Sa pakikialam, puwesto ko’y bihag mo kailanman

Nais kong malaman mo ikaw ang buwisit sa buhay ko

Mag-resign ka na lang

Tunay ang panawagan, kay tagal…

Kahit nasaan ka man…

Hindi tatantanan, sumpa ‘yan!!!

Ang galit kong ito ‘di na magbabago kailanman

Nais kong malaman mo, ikaw ang buwisit sa buhay ko

Magbitiw ka na lang

Tunay ang panawagan… ang tagal!!!

Ma La la lang talaga, ma La la la la la la, ma la la!

Ma La la la la la la, ma la la la la la la, ma la la la

Nais kong malaman mo, ikaw ang buwisit sa buhay ko

Magbitiw ka na lang

Tunay ang panawagan… ang tagal!!!

Kahit nasaan ka man….

Hindi tatantanan, sumpa ‘yan!!!

Ang galit kong ito ‘di na magbabago kailanman

Nais kong malaman mo, ikaw ang buwisit sa buhay ko

Magbitiw ka na lang

Tunay ang panawagan… ang tagal!!!

Ma La la la la la la, ma la la la la la la, ma la la la

Ma La la la la la la, ma la la la la la la, ma la la la

Ma La la la la la la, ma la la la la la la, la la la

Ma La la la la la la, ma la la la la la la, ma la la la