Una sa Balita

Turkish kulong sa pagmumura sa asawang Pinay

By
0 1,455

Kalaboso ang inabot ng isang Turkish natio­nal matapos ireklamo ng dati nitong asawa dahil sa ginawang pagmumura at pagsasalita ng ‘f… you’ habang sila ay nasa pagdinig sa loob ng barangay hall sa Valenzuela City kamakalawa ng tanghali.

Nahaharap sa Violation of R.A. 9262 (Violation for Women’s Law) ang suspek na si Erdugdo Ugur, 38, na naninirahan sa No. 858 Mac Arthur Highway ng nasabing lungsod.

Kuwento ni Lilibeth Estabillo, 31, dating asawa ng suspek, ng Unit E. Basic Homes, Caloocan City, kay SPO1 Richell Sinel ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD), bandang alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente habang nasa hearin­g sila ng Turkish sa Barangay Malanday.

Inireklaro kasi ni Estabillo si Ugur dahil sa pagwawala ng huli nang pumunta ito sa kanyang bahay sa Caloocan.

“Bigla siyang tumayo tapos galit na galit sabay salita ng ‘p……..ina’ sa salitang Hapon,” ani Estabillo.

Hindi pa nasiyahan si Ugur at sumenyas pa ito ng ‘f… you’ sa babae na naging dahilan para tumawag sa PCP 6 ang mga tanod at inaresto ang suspek.

Nabatid na siyam na taon ding nagsama sina Ugur at Estabillo at nagka-anak sila ng isang babae.

May bago nang ki­nakasama ang suspek at ayaw na daw ng biktima na makisama pa sa dayuhan.