Una sa Balita

Turista ng Ilocos binaril sa batok

By
0 358

SA hindi malamang kadahilanan, patay ang isang Australian national matapos siyang barilin sa batok ng hindi nakikilalang suspek sa Bliss, Brgy. Katipunan, Sinait, Ilocos Sur Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Reginald Hodgens, 70-anyos, isang Australian national, ng nasabing barangay.

Sa report, sinabi ni Sinait Police Station (SPS) commander Edmund Artates, ang biktima ay papasok sana sa gate ng kanyang nirerentahang bahay nang may lumapit na lalaki sa kanyang likuran at walang sabi-sabing binaril sa batok ang biktima.

Ayon sa SPS, agad na tumakas ang suspek noong tumimbuwang ang dayuhan na dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hopital, ayon sa mga doktor.

Samantala, inutusan naman ni PRO1 officer-in-charge Herminio Tadeo, Jr., si Artates na magsagawa ng follow-up investigation at ina­alam pa ang tunay na motibo sa krimen. )