Una sa Balita

Turista nahulog sa Falls No. 2 sa S. Cotabato

By ,
0 2

Walang humpay ang isinasagawang retrieval operation ng search and rescue team sa Lake Sebu, South Cotabato matapos ang insidente ng pagkahulog ng isang Romanian national sa Falls No. 2 sa kilalang tourist destination sa nasabing bayan.

Ayon kay Provincial Disaster and Risk Reduction Management Officer (PDRRMO) Milagros Lorca, kinilala ang nasabing turista na si Itrika Paul Brato, na nagbabakasyon lamang sa kaibigan nito na nakatira sa Surallah, South Cotabato.

Sa ngayon inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagkahulog habang nakikipag-ugnayan na rin sa pamilya nito upang mapaalam ang nangyari sa nasabing turista.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman masabi ng pulisya kung kailan dumating sa bansa si Brato dahil sa kakulangan ng detalye ukol sa dayuhan.