Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Turista ligtas sa Baguio – Magalong

0 88

Kumpiyansa si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magiging ligtas ang sinumang turistang nagbabalak pumasyal sa kanilang lugar kasabay ng patuloy na pagbaba roon ng kaso ng coronavirus disease.

Inihayag iyon ng alkalde sa isang virtual media forum ng National Press Club dahil na rin sa mga hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan upang mapigilan o maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Magalong, malaking bagay din ang leadership ng mga local government unit sa pagsugpo sa COVID-19 dahil hindi naman aniya maaaring iasa lamang sa national government ang lahat ng desisyon.

Aminado ang alkalde na malaki ang epekto ng pandemya sa turismo sa lungsod.

Umabot lamang sa halos 90,000 ang bumisitang turista sa lungsod kumpara sa 1.7 milyon noong 2019. (Mina Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.