Una sa Balita

Turista dadagsa ‘pag naayos ang Surigao Airport

0 482

Inaasahang magiging isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista ang Surigao sa sandaling ganap na matapos ang rehabilitasyon ng Surigao Airport.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar matapos ang partial completion ng 1,400-meter runway ng Surigao Airport.

Ayon kay Andanar, bukod sa mga turista ay makikinabang din ang mga negosyo ng mga kalapit probinsya dahil magkakaroon na ng mga direktang flight mula Manila hanggang Surigao City.

“This is a welcome news to many, not just for my fellow Surigaonons. This means that there would be more flights between Surigao City and Manila, benefiting tourists, business and nearby provinces,” ani Andanar.

Nauna rito, hiniling ng provincial capitol ng Surigao del Norte at Surigao City Chamber of Commerce and Industry Inc. kay Andanar na si­lipin ang rehabilitation project dahil sa maku­pad na aksiyon at ipaalam sa national government para mapabilis ang proyekto.

Nagpasalamat si Andanar kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade dahil matapos maiparating ang reklamo sa delay ng proyekto ay agad na kumilos ang ahensiya.

Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon ng Surigao Airport sa February 2020.

“My office will continue to be in constant communication with the DOTr and the Civil Aviation Authority of thr Philippines, to ensure that the rehabilitation timeline remains on track,” ani Andanar. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More