Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Turismo walang kinalaman sa COVID sirit – Sec Berna

0 30

Pinalagan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga ulat na dulot ng pagbubukas ng turismo ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang lalawigan.

Ayon sa kalihim, local transmission ang sanhi at hindi dahil sa pagbubukas ng turismo ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan.

Sa katunayan, pinapayagan lang aniya na makapasok sa iba’t ibang local destination ang mga turista kapag nakasunod sila sa test before travel policy ng Department of Tourism (DOT) at mga pamahalaang lokal.

Tinukoy ni Romulo-Puyat ang Boracay na isinara sa mga turista mula sa NCR Plus nang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 dito noong Marso.

Ipinagbawal din ng Baguio City at Puerto Princesa na makapasok sa kanilang mga lugar ang mga taga-NCR Plus.

Iginiit ng kalihim na imposibleng isisi sa turismo ang mga kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa dahil hindi ito tumatanggap ng mga bisista mula sa ibang lugar.

Gayunman, sinabi ni Romulo-Puyat na mino-monitor rin ng DOT ang mga kaso ng COVID-19 sa mga tourist destination sa bansa. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.