Una sa Balita

Turismo sa Bolinao sumigla

0 675

May kabuuang 532,142 turista ang bumisita sa Bolinao noong taong 2019 na tumaas ng may 48.12% kumapara sa may 359,269 bumisita noong 2018.

“Of the total number of tourists in 2019, 3,261 are foreign tourists while 528,881 are domestic tourists,” ayon kay municipal tourism officer Mary de Guzman.

Nabatid na ang white sand beach sa Barangay Patar at ang Bolinao falls 1, 2 at 3, ang pinakama­raming bumisita.

Ang iba pang tourist attraction sa Bolinao ay ang Silaqui Giant Clam Nursery, Dewey Sandbars, St. James Great Parish, isa sa pinakamatandang simbahan sa bansa, Cape Bolinao Lighthouse at Bali­ngasay River.

Gayunman, sinabi ni De Guzman na ang muni­cipal government ay walang direktang kita mula sa mga bumibisita na turista dahil hindi sila nagpapataw ng environmental at registration fees next month.

“Unlike in other tourism areas, tourists who visited our town’s tourist spots were not asked to pay fees to the municipal government, nonetheless, they contributed to the income of business establishments in our area, as well as to the employment of our residents,” ayon kay de Guzman.

Ang pagtaas ng turistang bumisita sa Bolinao ay sanhi ng aktibong promosyon, inayos na mga pasilidad at serbisyong iniaalok sa mga turista.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More