Una sa Balita

Turismo palakasin — Grace Poe

By
0 296

UPANG mapalakas pa ang industriya ng turis­mo sa bansa, hinimok ni Senador Grace Poe ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mag-alok ng libreng pagsasanay para sa mga nagnanais na maging accredited tour guide.

Sa kanyang pag-iikot sa La Union at Baguio City noong Huwebes, sinabi ni Poe na maaa­ring magbigay ng free training course ang TESDA para sa interesadong maging tour guide sa halip na ang mga ito pa ang magbayad para sa kanilang pagsasanay.

“Importante na mayroon tayong magaga­ling na tour guide para ipakilala ang magagandang lugar ng Pilipinas sa buong mundo. Ito’y isang sektor na dapat huwag makalimutan ng gobyerno dahil makakatulong sila sa tu­rismo at kikita pa tayong lahat,” ayon kay Poe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy