Una sa Balita

Tuparin ang kasunduan sa utang

0 594

Dear Atty. Claire,

Good day po. Hihingi lang po sana ako ng legal advise. Ako po ay may utang na 20k at ito po ay umabot na ng 26k dahil sa pinataw na interes ng aking pinagkautangan.

Umabot po ng tatlong taon at hanggang ­ngayon, hindi ko nabayaran ang aking utang. Ngayon po ay may lisensya na sila na magpa-utang. ­Ngayon po pina-barangay po nila ako, ang payo po ng ­barangay ay makiusap ako sa aking pinagkakautangan kung paano ko ito babayaran.

Ang sabi ko po ay mag­huhulog ako ­buwan-buwan ng 1k kada buwan. Pero po ayaw pumayag ng ­aking pinagkakauta­ngan. ­Binantaan po niya ako na kapag ‘di ako sumunod sa gusto nila, ang attorney na raw po nila ang kausapin ko. Ano po ba ang dapat kong gawin Salamat po,

Jessica

Dear Ms. Jessica,
Malamang kaya hindi ka makabayad ay ginamit mo ang inutang mo sa ibang kadahilanan o pangangailangan mo at hindi sa isang business kaya’t wala kang ibang pagkukunan kahit na pambayad ng interes ng utang mo.
Magkaganu’n pa man, ang utang ay utang na dapat bayaran upang mapagkatiwalaan kang muli at ang kasunduan ninyo ay boluntaryo mong pinasok at hindi ka naman pinilit.

Nais ko sanang malaman kung ang interes ba ay napagkasunduan ninyo at nakasulat ito sa kasunduan, dahil kung hindi nakasulat ang kasunduan ay hindi ka maaaring singilin ng interes. Sa ngayon ay talagang sisingilin ka na ng pinagkakautangan mo at malamang na lumaki pa nang lumaki ang interes niyan.

Ang isang ­kasunduan kasi ay hindi basta pinapawalang-bisa ng korte maliban na lamang kung mapapatunayan mo na ang interes ay sobrang laki at hindi na katanggap-tanggap o hindi na ito makatao o makatarungan sa ­sobrang taas na pinataw na interes.

Kahit walang naku­kulong sa utang ay hindi dapat na hindi tuparin ang napagkasunduan. Tanging pakiusap na ­lamang ang maaari mong gawin at ­ipakita na magbabayad ka ­naman kahit na maliit na halaga kada buwan, at ipaalam na wala ka talagang ibang pagkukunan ng ibabayad.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 419-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More