Una sa Balita

Tupadahan ni-raid, 17 sabungero arestado

By
0 1,399

Kulong ang 17 sabungero nang salaka­yin ng mga pulis ang mga tupadahan sa magkahiwalay na barangay sa Valenzuela City.

Sa ulat kay P/Sr. Supt. Reynaldo O. Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, ­unang ni-raid ng mga tauhan ni P/Sr. Inspector Leo Glenn T. Calavio, head ng Police Community Precinct (PCP) 7, ang Pearl Island Compound, Barangay ­Lawang Bato, pa­sado alas-nuwebe ng ­umaga.

Kanya-kanyang takbuhan ang mga nagtutupada, pero hindi nakalusot ang limang lalaki na may hawak pang mga panabong na  manok.

Sumunod na sina­lakay nina P/Chief Ins­pector Jovencio R. Urbien, hepe ng Intelligence Branch (IB), ang tupada sa Lamesa Street, Barangay Ugong na nagresulta sa pagkakadakip sa 12-katao, dakong alas-11:00 ng umaga.

Ayon kay Urbien, ikinasa ang operasyon laban sa mga tupadahan dahil sa mga reklamo ng mga residente na naii­ngayan umano sa mala­lakas na sigawan ng mga nagsasabong na dumarayo pa mula sa ibang lugar.

Kinasuhan ng paglabag sa P. D. 1602 (illegal cockfighting) ang mga ina­resto.