Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tupada sa Cavite talamak, 19 binitbit

0 34

Labingsiyam na katao, kabilang ang dalawang senior citizen ang inaresto ng Cavite Police nang maaktuhang nagsasagawa ng tupada sa kabila ng ipinagbabawal sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), tatlong sabungero ang inaresto sa bayan ng Tanza dakong alas-5:45 Linggo ng hapon habang nagsasagawa ng tupada sa Brgy. Villa Monteverde ng naturang bayan at nasamsam ang P1,920 na pusta, anim na tari at dalawang panabong.

Pito-katao naman ang inimbitahan matapos damputin sa aktong nagsasagawa ng tupada dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon sa Sitio Muzon Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite at narekober ang P3,000 na pusta, 2 panabong at tari.

Nag-iisang tao naman ang nadampot matapos na nakatanggap ng report ang Imus City Police sa isinasagawang tupada alas-tres kamakalawa ng hapon sa Green Mark Subd., Malagasang 2B, Imus City, Cavite.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na mabilis na nakatunog ang mga sabungero kaya mabilis na nagtakbuhan bago pa man dumating ang mga awtoridad at tanging isang lalaki ang minalas na naabutan kabilang ang P500 na pusta, 2 panabong at tari.

Dalawang lalaki din ang nadampot kabilang ang 70-anyos na Lolo sa tupada sa Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City dakong alas-12:20 kamakalawa ng hapon.

Sa Rosario, Cavite, anim na kalalakihan ang inaresto kabilang ang isang 62-anyos na Lolo sa anti-illegal gambling operation sa Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dakong alas-12:50 Linggo ng hapon at nasamsam ang P500 na pusta, dalawang panabong at dalawang tari. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.