Una sa Balita

Tunay na pag-asa ng bayan

0 391

Dear Abante:

Paano nga ba masusukat ang sinasabi ng mga kabataan na pagiging makabayan? Saan nga ba puwedeng ikumpara kung tunay pa nga ba talaga silang pag-asa ng bayan.

Sa isang Facebook post ko nakita ang pagkukumpara ng mga kabataang nagra-rally daw para sa bayan at ang mga kabataang aktibo sa ROTC na sa evacuation areas matatagpuan.

Kabataan sa kalsada na may hawak na mga plaka vs kabataan na may buhat ng mga donasyon para sa mga kababayan. Kabataang sumisigaw ng kung ano-anong karapatan masabi lang na sila’y makabayan vs kabataang tumutulong sa nasalanta ng kalamidad sa tahimik na paraan. Dito ko rin napagtanto tama nga na hindi masasabing makabayan ang isang tao kung puro boka lang ang alam nito. Ang tunay na makabayan, tahimik na tumatrabaho para makatulong sa bayan at kapwa Pilipino.

Sarah Bustan
National Youth Editors Guild

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More