Una sa Balita

Tunay na lagay ng kalusugan ni Digong ilantad

0 380

INAKUSAHAN ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang administrasyon ng pagtatago sa lagay ng kalusugan ni Pangulong­ Rodrigo Duterte upang mapigilan ang pagkakawatak-watak ng ruling­ coalition.

Ayon sa CPP, magkakaroon ng krisis sa ruling system kapag nabuko ang kondisyon ng kalusugan ng Pangulo.

Sa media briefing noong Biyernes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangang maglabas ng medical bulletin kay Pangulong Duterte dahil wala naman itong matinding sakit.

Matatandaang sumemplang sa motorsiklo ang Pangulo kaya’t pagdating ng Japan ay umuwi agad ito dahil sa pananakit ng likod.

Kung may malalang­ sakit ang Pangulo, magkakagulo umano ang mga die-hard supporter, pansamantalang kaal­yado at maging sa hanay ng pulisya at mili­tar. Ito rin umano ang magtutulak kay dating­ Senador Bongbong Marcos para madaliin ang resolusyon ng electoral protest nito.

Dagdag pa ng grupo, anuman ang lagay ng kalusugan ng Pangulo ay karapatan ng sambayanang Pilipino na malaman ito. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More