Una sa Balita

Tunay na kulay

By
0 1,103

Sa mga nakaraang buwan, may mga maiingay na umaaming Duterte defender ang tila iba ang timpla ng mga sinasabi. Sinimulan nilang paratangan ang mga dati pang Duterte supporter na tulad ko, sina MJ Quiambao na 2010 pang anti-PNoy na at ang mga DDS Avengers na binubuo ng mga original supporters ni PRD na taga-Davao na dilawan.

Kaming mga supporters na kahit noong hindi pa sikat si PRD ang sinabihang Dilawan ng mga supporters na nagpakita ng suporta nu’ng Abril at Mayo ng 2016. ‘Yung iba, noong nanalo na si PRD sumuporta bagama’t mai­ngay at mapapel na kung makayakap kay PRD at makapag-picture sa kanya ay aakalain mong magkatabi sila matulog.

Isa lang masasabi ko. Maingay lang kayo pero bumusina kayo sa mga patutsada ninyo kasi ang totoong supporter ni PRD ni ayaw magpakilala sa madla at nahihiyang gamitin ang estado para magpaandar.

Pati nga nanay ko nu’ng nakita niya si PRD, hindi lumapit at nagpakuha ng selfie kasi nahihiya na maging isyu dahil ang mga nagsasabing malapit sa Pangulo ay parang selosang asawa kung makabantay sa kanya. Bawal daw gamitin ang pangalan ni PRD sa lahat ng bagay. Sila lang ang puwedeng kumite na gamitin ang pangalan ni PRD.

Pwes, wala kaming planong pagkakitaan si PRD. May mga hanapbuhay ang mga totoong supporter ng Pangulo kasi ‘yun ang badge of honor naming original supporters. Kami ‘yung ginamit ang sariling pera para gumawa ng baller, stickers at iba pang kaechusan para lang matulungan siya. At kami ‘yung mga walang hininging kapalit sa pagtulong kahit kayang-kaya naming hingin ‘yun.

Ngayon, unti-unti nang lumabas ang mga tunay na kulay ng mga bayawak. Nu’ng inisyu si Bong Go, aba walang imik ang mga ito kasi masyadong busy kakagawa ng ingay para maitago ang kapalpakan ng mga major sponsors nilang nakitaan na ng kahinaan sa pamamalakad ng ahensiya nito. Paano magi­ging Pangulo ‘yan kung parang Dilawan kung maka-deflect ng isyu. Naalala ko tuloy nu’ng Mamasapano, nilabas big­la si Jeanne Napoles na matagal na nasa Pilipinas na kadara­ting lang daw para mawala ang isyu sa kapalpakan ni PNoy.

Ang tunay na kulay nakikita sa Hokage moves. Kahit DDS ang sigaw ninyo, Dilawan ang mga ninja moves ninyo.

Halata eh.