Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumortyur kay titser Ronnel panagutin – ACT

0 114

HINDI umano dapat matapos sa pagbasura ng kaso laban kay Ronnel Mas, ang kuwento ng panghaharas sa guro.

Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, dapat ay managot ang nangharas kay Mas na hinuli ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na mag-post sa social media ng P50 milyong reward sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“We also call for accountability to those who caused teacher Ronnel Mas the trauma and stress that he has faced. The charges faced by teacher Ronnel reek of double standard and refusal to follow due process,” ani Castro.

Ibinasura ng Zambales Prosecutor’s Office ang kasong inciting to sedition in relation to cybercrime law na isinampa laban kay Mas dahil sa kawalan ng probable cause.

“Patong-patong na human rights violations mula noong iligal siyang inaresto, pinaamin, pinahiya at tinortyur. Dapat talagang managot ang mga gumawa nito kay Teacher Ronnel,” dagdag pa ng lady solon. (Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.