Una sa Balita

Tumbong ni Whiteside tatampalin ni Beverley

0 341

BOLA o stick ang hawak, hindi nawawala ang trash talking ni Clippers guard Patrick Beverley.

Sa Round 1 ng NBA 2K Players Only Tournament nitong Biyernes, natoka si Beverley kay Hassan Whiteside.

Bago hinarap ang Heat center, nakatsikahan ni Beverley ang dating teammate na si Sindarius Thornwell sa Instagram.

“(I will) spank his (Whiteside) ass,” deklarasyon ni Beverley.

Pagdating ng laro, hindi natapos ang pambubuska ni Beverley sa katapat. Milya-milya ang layo nila, pero tuloy ang pang-aalaska.

Ginamit ni Beverley si Giannis Antetokounmpo at ang Milwaukee Bucks laban sa Los Angeles Lakers ni Whiteside.

Bakit hindi ang sariling team ang ginamit ni Beverley?

“I need to save the Clippers for the championship,” paliwanag niya.

May sundot pa.

“Quinn Cook has no business in my game,” aniya patungkol sa Lakers guard.

Sa isang play, natawagan ng defensive 3-second ang Bucks.

“Oh my goodness. That is awful. Ball does not lie. That is awful,” reklamo ng Clippers guard.

Tinambakan ni Beverley si Whiteside 84-54 para umusad sa second round. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More