Una sa Balita

Tumbling, costume? Mga netizen binira ang “creative” statement ni Panelo

0 440

SDC

“Siguro, kung imbes na naglalakad, tuma-tumbling na lang ako para “creative.” Edi sana mas mabilis ‘yung biyahe ko pauwi, mas nakakagawa ako ng mga gawain.”

Inulan na naman ng batikos ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat maging creative o malikhain ang mga Pilipino upang bumilis ang kanilang biyahe sa Metro Manila.

“Sabi ko, nung sinabi kong gusto natin makarating e umalis din tayo ng maaga, ang ibig ko sabihin non, we are very creative people. We have a hostile environment but we just don’t sit down and wallow in misery. We do something about it. And how do we do it? Since ganyan ang traffic, e di we wake up earlier than usual,” saad nito kahapon habang nagko-commute.

Halos apat na oras itong bumiyahe patungong Malacañang, ngunit nanindigan pa rin itong walang “mass transport crisis” kundi “traffic crisis” sa Kamaynilaan.

“There is a traffic crisis because on the conditions obtaining, like there’s so many volumes of cars na you cannot accommodate by our roads. Tapos eh marami pang nagba-violate ng traffic. Hindi pa efficient ang traffic management, kaya patong-patong ang problema,” saad ng opisyal.

Pinagdiskitahan naman ng ilang netizen ang pahayag ni Panelo, at tinanong kung ang pagiging “creative” ba ay pagsabit sa gulong ng kotse, paglipad, o pag-tumbling imbes na maglakad sa kalsada.

“Ba’t ‘di ko naisip mag-adjust sa pagkukulang ng gobyerno? Ang tanga ko,” pang-uuyam ni @yanihatesu.

“HAHAHAHAHAHAHAH SANA PALA NAG COCOSTUME AKO TUWING UWIAN BAKA MAS MAKASAKAY AKO AGAD (emoji: tumatawang mukha),” sey naman ni @jadhzxc.

“shet kung sana naghahandstand na lang ako imbes na simpleng nakatayo lang shet mas makakakuha ako ng jeep or ng trike diba,” saad naman ni @reignciprocal.

Matatandaang noong nakaraang linggo, sunud-sunod na nasira ang LRT-1. LRT-2, at MRT-3 na nagdulot ng dagdag-perwisyo sa mga mananakay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy