Una sa Balita

Tumawid na kalabaw iniwasan Kotse swak sa kanal

0 327

MALUBHANG nasugatan ang dalawang sakay ng kotse nang mahulog sa isang irrigation canal dahil sa pag-iwas sa papatawid na kalabaw sa provincial road ng Barangay San Manuel, Luna, Isabela noong Huwebes ng gabi.

Nakilala ang sakay ng Toyota Vios na si Arnel Galutera, 20, habang and driver naman ay 17-anyos, kapwa ng parehong bayan.

Ayon sa Luna Police Station (LPS), nangyari ang insidente bandang alas-11:40 ng gabi. Ayon sa testimonya ng mga biktima, galing umano sila sa birthday ng biglang may tumawid na isang kalabaw sa tulay ng irrigation canal.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela si Gonzales, dahilan upang malaglag sila sa irrigation canal.

Ngunit sa pag-iimbestiga ng pulisya, mabilis umano ang takbo ng kotse at wala namang kalabaw sa lugar nang dumating ang mga pulis.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at agad na isinugod sa sa ospital.

Inaalam ng LPS kung nasa impluwensiya ng alak ang dalawang­ teenager noong mangyari ang insidente. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy