Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumatawid, tigok sa hagip ng dyip

0 145

NASAWI ang isang lalaki nang nabangga ng pampasaherong jeepney habang tumatawid sa Carmona, Cavite Linggo ng gabi.

Isinugod pa sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang biktimang si Rocel Palumabrit, 49, ng Brgy Maduya, Carmona Cavite subalit namatay din habang ginagamot.

Kinilala naman ang driver ng dyip na may plakang DJN 760 na si Warren Solmoro, 46.

Sa ulat ni Corporal Rommel Samorin, ng Carmona Police Station, patawid sa kalsada ang biktima sa may Gov. Drive sakop ng Brgy Maduya, Carmona Cavite, alas-9:50 Linggo ng gabi nang mabangga ng paparating na jeep na minamaneho ni Solmoro.

Mabilis namang sinaklolohan ng rescue team ng Carmona MDRRMO at isinugod sa ospital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.