Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumatawid na lola dedbol sa bundol

0 87

AGAD na nalagutan ng hininga ang isang lola matapos tumilapon ang mahinang katawan nito nang mabundol ng isang closed van sa Dasmarinas City, Cavite Biyernes ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang 67-70 anyos. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng Isuzu Aluminum van na may plakang NFX 7674 na si Jun-Jun Cancino Resquid.

Sa ulat ni PMSgt Rolando Figueroa ng Dasmarinas City Police, alas-6:45 kamakalawa ng gabi habang tumatawid ang biktima sa Don P. Campos Ave., Bry Sabang, Dasmarinas City, Cavite nang mabangga siya ng minamanehong Isuzu closed van ni Resquid na patungo sa direksiyon ng Imus.

Sa lakas ng pagkakabundol sa lola ay tumilapon ito ng ilang metro na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.