Una sa Balita

Tumatakbong konsehal sa Palawan todas sa pananambang

By
0 578

BULAGTA ang isang tumatakbong konsehal ng bayan ng Aborlan sa Palawan matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin bandang alas-singko nang hapon noong Lunes.

Kinilala ang biktima ni Police Supt. Socrates Faltado, hepe ng Regio­nal Public Information Office ng PNP MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Pala­wan) na si Ruben Bediores Goh, 51-taong gulang, at residente ng Barangay Poblacion sa na­sabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Aborlan Municipal Police Station, pauwi na sana si Gho sakay ng kanyang motorsiklo nang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek pagdating sa may intersection sa bahagi ng Km. 72 National Highway, sa Brgy. Magsaysay.

Dead on-the-spot si Gho matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo.

Patuloy na iniim­bestigahan ng Aborlan Municipal Police Station ang pamamaril at kung may kaugnayan ba sa papalapit na eleksyon ang pagpatay sa biktima na tumatakbo bilang independent candidate.

Naglatag na rin sila ng checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng ba­yan ng Aborlan at sa katabing bayan bilang pagbabantay sa mga posibleng lusutan ng mga salarin.
Wala pang paha­yag ang pamilya ni Gho kaugnay sa pamamaril.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy