Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumaob na bangka naispatan, 7 pasahero nailigtas

0 96

PITONG pasahero ang nai­ligtas sa panganib matapos maispatan ng mga sunda­long nag-escort sa mga gurong nagsilbing election inspector sa idinaos na halalan ang tumaob kanilang bangka sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi noong Lunes ng gabi.

Naatasang sumundo sa mga board of election officer at mag-escort sa mga vote counting machine (VCM) sa Lato-Lato Elementary School ang tropa ng 2nd Marine Brigade ng Joint Task Force Tawi-Tawi nang makita nila ang tumaob na bangka sa karagatan ng Bongao sa paligid ng Barangay Lato-Lato.

Naabutan pa nilang nakakapit sa tumaob na bangka ang pitong pasahero na sakay nito kaya agaran nilang nirespondehan ang mga ito.

Nagmula sa Brgy. Lamion ang mga pasahero at pauwi na matapos bumoto nang mangyari ang insidente. Dinala sila sa headquarters ng 82nd Marine Corps sa Lamion Wharf para pagpahingahin.

Pinuri naman ni 2nd Marine Brigade commander Brig. Gen. Romeo Racadio ang tropa ng mga sundalo sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa eleksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.