Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumamlay negosyo sa pagbuhat ng gulay

0 237

Tumatak sa akin ang isa kong panaginip kaya gusto ko rin malaman ang ibig sabihin nito, sa panaginip ko nasa palengke ako at bumili ng maraming gulay.

Sa dami ng binili kong gulay tulad ng patatas, carrot iba-ibang lagayan ang dala ko may paper bag, ecobag, sako, saka stroller hanggang hindi ko na makaya sa bigat nagtawag ako ng kargador. Pero bago pa makarating sa labas ng palengke at makapunta sa sakayan ng jeep, napigtas ang bitbit kong paper bag kaya sumabog ang laman nitong gulay. Hindi ko alam paano pupulutin dahil may iba pa akong hawak kaya tinitigan ko lang tapos nagising na ako, kaya ‘di ko alam kung ano ba ibig sabihin nito. Salamat sa pagsagot niyo.

Marco

Kahit sa totoong buhay nagbibigay ng lakas sa katawan ang gulay, pagdating sa panaginip hindi mabuti ang kahulugan nito sa pangkalahatan.

Para sa iba kasi, ang gulay sa panaginip ay senyales ng mga hindi suwerteng pagkakataon. Pwede ring babala ito na nasa punto ka ng buhay mo ngayon na pagod na pagod ka na sa mga nararanasan at gusto mo ng pahinga para makapag-relax.

Dahil sa panaginip mo may dala-dala kang iba’t ibang bag ng gulay na sa sobrang puno ay nagtawag ka ng kargador at napigtas pa ang isa sa bag na dala, nauugnay ito sa paghawak mo ng pera ng iyong negosyo o personal na panggastos. Maaaring maharap ka sa problemang pinansyal o kaya ay pagkalugi sa sugal o sa bagong bubuksang negosyo. Kailangan mong gumawa ng backup plan para lumago ang pera mo.

Konektado naman ang carrot sa inner desire mo, sinasabi nitong dapat kang magpokus sa sarili, dahil din sa kulay ng carrot na orange, nangangahulugan ito na may magandang mangyayari sa hinaharap o kaya ay madali mong makikita ang pagbabago sa hinaharap.

Ang patatas naman ay nagsasabi na dapat patuloy ka pa ring nakapak sa lupa anuman ang maranasan – maging mabuti man o mahirap.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.