Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumakas sa checkpoint: SUV driver sumalpok sa mobile patrol

0 38

Arestado ng Cavite police ang driver ng isang Toyota Fortuner nang banggain nito ang isang Moblie Patrol matapos tumangging painspeksiyon sa isang checkpoint sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Resistance and Disobedience to an agent Person in Authority, paglabag sa RA 10586 at Rekless Imprudence Resulting in Damage to Government Property ang kinakaharap ng suspek na si Adrian James Recto, 27, ng Block 17 Lot 20 Verona St., Cita Italia Subd., Brgy Mambog 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni P/SSg. Marvin Rae Calaor, ng Bacoor City Police, alas-dos kahapon ng madaling-araw nang maganap ang insidente kung saan nagsasagsawa ng inspeksiyon ang mga operatiba ng Sector 4 Mobile sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Real 2 ng naturang Lungsod nang parahin ang minamanehong Toyota Fortuner na may plate number na WNQ 408.

Imbes na sumunod ang driver ay pinaharurot nito ang kanyang sasakyan patungo sa direksiyon ng SM City Bacoor kaya tinugis siya ng mga awtoridad gamit ang Mobile patrol pero binangga siya ng nasabing sasakyan ng suspek.

Nang arestuhin ay amoy alak ito kaya sumailalim sa Alcoholic Breath Test at nagpositibo ito. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.