Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tumakas na groom nagmakaawang ‘wag kasuhan

0 195

Kahit simple man o magarbo ang isang kasal, nagiging espesyal pa rin ito para sa dalawang taong nag-iibigan, gayundin sa pamilya at kanilang mga kaibigan na saksi sa pag-iisang dibdib. Pero paano kung ang masaya sanang selebrasyon ay nagiging mapuot na alaala?

Ganito ang naramdaman ng overseas Filipino worker (OFW) na si Eleonor ‘Rona’ Alay na tinakasan ng kanyang groom na nakilalang si Cresencio ‘Jun Jun’ Milana na nagpaalam lang umanong maliligo pero hindi na bumalik na sanhi para maudlot ang kasalan.

Sinusubaybayan ng mga netizen ang kwento ng dalawa, makaraang magsumbong ni Rona sa program ani Raffy Tulfo dahil sa pag-iwan sa kanya ni Jun Jun sa ere.

Durog ang puso ni Rona sa ginawa ni Jun Jun sa kabila ng kanilang plano na pagpapakasal.

Bukod pa rito, sinusuportahan din diumano ni Rona ang pamilya ng kanyang groom sa aniya’y boto rin sa kanya.

Sa nasabing programa, inamin naman ni Jun Jun na hindi niya gusto ang pagpapakasal kay Rona dahil pinilit lang diumano siya.

Dahil dito, tila nagising si Rona sa rebelasyon ni Jun Jun kaya nama’y pinababalik na lang niya ang mga naibigay na gamit sa lalaki tulad ng mamahaling relo. Pero, ayon sa huli naibayad na niya ito sa sinakyang taxi nang tumakas siya kay Rona.

Dito na nagdesisyon si Rona na kasuhan ang dating nobyo at mapapakasal sana. Todo hingi naman ng tawad si Jun Jun sa nagawa sa bride to be sana.

Sa pagpapatuloy pa ng kwento ng dalawa, nangako si Jun Jun na babayaran ang P400,000 mga naibigay sa kanya ni Rona, sabay sabing pumapayag din itong magpakasal sa kanya huwag lang ituloy ang kaso.

Dito binigyang pagkakataon ni Tulfo si Rona para makapag-isip pa sa magiging susunod na hakbang at tungkol sa kahihinatnan ng love story nilang dalawa ni Jun Jun.

Marami naman sa mga netizen ang galit kay Jun Jun na anila’y halata-halata umano ang tunay na motibo kay Rona.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.