Una sa Balita

Tulungan tayo

0 398

Dear Abante:

Kahit pa kasisimula pa lang ng taon, napakarami na nating­ kinaharap na suliranin. Higit kailanman, ngayon tayo dapat na magtulungan at magpasalamat sa mga bagay na mayroon tayo.

At hindi naman ito nalalayo sa kasalukuyang nangyayari. Nang mapanood ang mga video at mabasa ang kuwento ng pagtulong sa mga lumikas na residente sa Batangas kasunod ng pagputok ng Taal Volcano, masasabi kong may pag-asa pa para sa ating lahat.

Sa mga iba’t ibang grupo na agad na tumulong sa mga evacuee, kasama pa ang napaulat na nasawing kabataan na maghahatid sana ng relief goods, maraming salamat sa inyo.

Tiyak na marami pang pangangailangan ang mga naapek­tuhan ng kalamidad na ito, pero sa pagtutulungan nating lahat, tiyak na makakaya nating itong malagpasan.

Gayunman, sa kabilang banda kahit may mga tumutulong, mayroon pa ring walang pusong inaabuso ang pangyayaring ito para kumita sa sitwasyon. Ito ang mga tindahan na agad nagtaas ng presyo ng kanilang produktong face mask para sa mga Pinoy na nangamba para sa kalusugan.

Sana maparusahan sila.

Tulong sana tayo hindi makisawsaw pa sa pangyayari para sa pansariling kapakanan lang.

Jessie ng Muntinlupa

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More