Una sa Balita

Tulungan ng gobyerno, pribadong sektor kailangan sa trapik

0 279

MALALA ang suliranin sa trapiko sa bansa na hindi kayang solusyunan ng isang ahensiya lamang ng pamahalaan kundi ng pagtutulungan ng pribado at pampulikong sektor na kinakailangang magbalang­kas ng isang komprehensibo at kayang ipatupad na traffic plan.

Ito ang pahayag ni inclusive mobility champion at Angkas Chief Transport advocate George Royeca sa katatapos na Roads and Traffic Expo, ang kauna-unahang pagpupulong na naglalayong maging plataporma para sa pagtutulungan ng mga public and private sector kaugnay sa problema ng trapiko.

Lumahok sa expo ang Angkas, ang kauna-unahang­ app-based motorcycle ride-hailing service sa bansa, upang talakayin ang mga solusyon at tugunan ang malalang problema sa traffic sa bansa.

Sa pag-aaral ng Japanese International Cooperation Agency (JICA), umaabot sa P5.4 bilyon kada araw ang mawawala sa bansa sa pagsapit ng 2035 kung hindi malulutas ang problema sa trapiko.

Kasama ni Royeca sa discussion panel sa expo sina Ariel Lim, dating Presidential Assistant on Public Transport Affairs; Konsehal Winnie Castelo ng ikalawang­ distrito ng Quezon City at dating congressman at chairman ng Congressional Committee on Metro Manila Development; Atty. Ariel Inton, traffic czar ng Quezon City at dating director ng LTFRB at Amor Maclang, director ng Transport Watch.

Sa talakayan ay binigyang-diin ni Royeca ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor upang matugunan ang problema sa traffic.

“Hangarin namin sa Angkas na makapagbigay ng ligtas, maaasahan at abot-kayang transportasyon para sa lahat at handa ka­ming gawin ang lahat upang patuloy naming itong magawa at maibigay para sa publiko,” ani Royeca.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy