Una sa Balita

Tuloy-tuloy lang ang POW para ‘di maging gatasan ng sindikato

By
0 259

Maganda itong ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) pagdating sa pasaporte.

Dahil sa sangrek­wang reklamo ng mga passport applicant, pa­tuloy ang pagpupursige ng DFA na ilapit sa publiko ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng DFA Passport on Wheels (POW).

Kung dati ay sa mga munisipalidad at iba’t ibang siyudad naghahatid ng serbisyo ang POW, ngayon ay dinala na rin ito sa mga opisina, ospital, subdivision at mga eskuwelahan.

Abante Hiring – IT dep

Kaya naman ang mga aplikante sa passport na wala talagang oras kumuha ng online appointment para magsadya sa mga DFA office ay nagkakaroon ng pagkakataong makapag-apply para sa kanilang pasaporte. Kailangan lamang nilang abangan kung mayroong POW na naka-iskedyul malapit sa kanila.

Sa pamamagitan din nitong POW, kahit sinong local government unit (LGU), malala­king kompanya at mga organisasyon ay puwedeng mag-request na sila naman ang ma­serbisyuhan. Kaila­ngan lamang magpadala ng written request sa mps@oca.dfa.gov.ph at tiyaking hindi bababa sa 500 aplikante pero hindi rin lalagpas sa 2,000 ang maseserbisyuhan. Kailangan ding mayroon silang designated passport coordinator na siyang makikipag-ugnayan sa DFA.

Very proud nga si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga ginagawa ng kanyang departamento pagdating sa problema ng passport.

Sa tala ng tanggapan, mula noong E­nero ay umabot na sa 138,000 aplikante ang kanilang naserbisyuhan sa POW pa lamang. Sana nga ay magtuloy-tuloy pa ang pagsisikap na ito ng DFA.

Sana bukod sa POW ay maayos na rin nila ang online appointment system na hanggang ngayon ay pahirapan pa rin. At sana rin ay tuluyan na ngang mawala ang mga fixer na patuloy pa ring nag-aabang sa mga bibiktimahing passport applicant.

Pero dahil sa ma­laking improvement ang hatid ng POW ay sana’y tuloy-tuloy lang ito upang hindi maka­singit ang mga sindikatong ginagawang gatasan ang ating mga kababayang aplikante ng pasaporte.