Una sa Balita

Tuloy ang ulan sa Luzon, Visayas

By
0 2

Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na asahan pa rin ang mga pag-ulan kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) sa hilagang Luzon.

Subalit isa pa rin LPA o namumuong sama ng panahon ang namataan sa layong 1,705 kilome­tro sa Silangan ng Casiguran, Aurora at inaasa­hang mabubuo ito bilang bagyo ngayon weekend sa labas ng PAR at magpapalakas sa hanging haba­gat na magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Kabilang sa mga makakaranas pa rin ng mga pag-ulan ang Zambales, Bataan, Pangasi­nan, Mindoro, Palawan, Cavite at Batangas.

Habang may mga big­laang pag-ulan ding aasa­han sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes, Babu­yan, Calayan Group of Island at Western Visayas.