Una sa Balita

Tuloy ang serbisyo sa gitna ng bagyong ‘Tisoy’

0 413

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng mga telecommunication entity sa buong bansa na ma­ging handa sa pagtama ng bagyong ‘Tisoy’ na may international name ‘Kammuri’.

Sa kanyang memorandum, pinatitiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa lahat ng nasa sektor ng telekomunikasyon na siguraduhin na sapat ang bilang ng kanilang technical at support personnel para maibigay ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko sa gitna ng kalamidad.

Higit na ipinaalala ng ahensiya ang pagkakaroon ng mga standby ge­nerator na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Inatasan din ni Cordoba ang mga telecommunication company na maghanda ng mga mobile cellsite upang kagyat na magamit oras na bumigay ang linya ng komunikasyon sa mga rehiyon na apektado ng bagyo.

At dahil kasalukuyang ginaganap sa bansa ang 30th Southeast Asian (SEA) Games, inabisuhan din ng opisyal ang mga telco na regular na makipag-ugnayan sa Pagasa para sa mahigpit na monitoring ng tropical cyclone advisory.

Itinalaga naman ni Cordoba si Director Jovita V. Chonglo bilang focal person ng NTC sa SEA Games kung saan maaa­ring makipag-coordinate sa kanya ang mga nasa hanay ng komunikasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More