Una sa Balita

Tuloy ang preparasyon sa eleksiyon, Comelec ‘di natinag sa ‘no-el’

By
0 1,303

Tuloy pa rin ang isinasagawang pagha­handa ng Commission on Election (Comelec) para sa 2019 midterm elections.

Ang pahayag ay ginawa ni Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod ng mga ulat na no election o ‘no-el’ para bigyang-daan ang referendum sa pagbabago ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Sinabi ni Jimenez, hanggang walang pormal na anunsiyo ang pamahalaan hinggil sa pagpapaliban ng 2019 elections ay tuloy pa rin ang kanilang pagpaparehistro, gayundin ang iba pang pagha­handa para sa nasabing eleksiyon.

Nilinaw ni Jimenez na magkaiba ang timetable ng referendum at halalan kaya hindi raw dapat makaapek­to ang paghahanda sa pagpapalit ng gobyerno sa paghahanda sa eleksiyon.

Matatandaang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas praktikal kung maipagpaliban muna ang halalan sa susunod na taon para matutukan ng mga mambabatas ang pag-aralan sa draft ng fede­ral constitution.