Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tuloy ang drama: Andrea, Francine nag-unfollow sa Instagram

0 94

Habang sinusulat ito, top trending pa rin sina #Andrea, #Francine, at nagpapalitan lang sila ng posisyon bilang number 1 at number 2, ha!

At tila ini-enjoy naman ng dalawa ang atensiyon na binibigay sa kanila ng mga netizen, dahil hayun nga, nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram, para lalong ma-curious ang mga fan, at maglabas ng mga matitinding reaksiyon.

At bagamat ayaw magbigay ng official statement sa tunay na sitwasyon, dinadaan naman nila sa ‘patutsada’ sa IG story ang eksena.

“Hello since ang dami niyo namang nakaabang jan, watch niyo na lang mga vlogs ko,” sabi ni Andrea.

“Biruin mo sa laki ng mundo natagpuan kita!” sabi naman ni Seth Fedelin, ang sabi-sabing ugat ng ‘away’ kina Andrea at Francine.

Si Francine naman, ang tungkol sa 5M follower niya sa IG ang post niya, na pinasalamatan niya, at siyempre, ang suporta ng bestfriend niyang si Jayda Avanzado.

At teka lang, sinamantala na rin ng mga poser ang isyu, dahil biglang-bigla nakiusap si Andrea na i-report ang poser niya.

“Now that I’m of legal age, tara shot?” chika ng poser ni Andrea, kaya nairita na ang aktres.

May mga post din ang mga fan na kesyo na-block na ni Andrea si Francine. At kesyo noon pa man ay hindi bet ng mommy ni Andrea si Francine.

Anyway, ang bongga lang talaga nina Marga at Cassy, ha! Daming interesado sa kanila! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.