Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Tuloy ang bardagulan’ Janine, Paulo nagmurahan sa Twitter

0 374

Ayaw paawat sa ‘bardagulan’ sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Ang aliw ng sagutan nila, na kung sa unang tingin, iisipin mo talagang nagtatalakan ang mga bida ng ‘Marry Me, Marry You’ ng Kapamilya channel.

Heto nga ang mga pasampol na ‘bardagulan’ nina Janine at Paulo sa Twitter, na talagang kinatutuwa, pero kinaalarma rin ng iba.

“Magaling ako manglaglag ng tao sa umaandar na sasakyan!” sabi ni Paulo.

“Magaling ako manakot ng bantay ng sari-sari store!” sagot naman ni Janine.

“Magaling ako mang-agaw ng asawa ng may-ari ng sari-sari store!” saad ni Paulo.

“Magaling ako magpakain ng stockings ‘wag ka nga no!” say naman ni Janine.

“Kaya kong magmura habang may stockings sa bibig. Wag ka!” say naman ni Paulo.

“Kaya kong sugurin ‘yung mga lasinggero sa kanto – kasama ka na dun!” sagot ni Janine.

“Kaya kong ipaalala sayo na isara ‘yung bintana sa kwarto para ‘di pumasok ‘yung lamok habang nag-iilusyon kang sinusugod mo mga lasenggo sa kanto!” sambit ni Paulo.

“Pu@#$% ngayong gabi lang?” sagot ni Janine.

“Pu!@#$% sumakay ka kaya sa likod ng pick up ko para malaman mo! Sakto ‘di ka na bata!” saad ni Paulo.

“Eh, pu@#$% kung gusto kong magmura, magmumura ako. Charot lang. manonood din ako ng mall show mo!” hirit ni Janine.

“Wag ka lang tatalon sa pool! Alam mo na kasunod niyan. Sorry in advance wala pang 2 mins!” chika ni Paulo.

“Hindi ako tatalon sa pool pero kaya kitang ibato sa ilog! Bye!” sagot ni Janine.

“Sure ka? Baka pag ahon ko ako yung i-fangirl mo. Ok na! Halata naman intensyon mo simula palang,” sabi ni Paulo.

“Ayaw mo ba?” tanong ni Janine.

Well, bongga, di ba? Iisipin mo talagang nag-aaway sila. Pero, kung aanalisahin mo ang mga chika nila, mga role nila sa mga pelikula nilang ‘Babae at Baril’ para kay Janine, at FanGirl naman kay Paulo.

Bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.