Una sa Balita

Tulong trabaho para sa mga apektadong manggagawa ng Hanjin

By
0 647

Marami po ang nagulat sa napipintong pagsasara ng Hanjin Heavy Industries and Construction na nasa loob ng Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA) lalo pa’t malaki po ang ambag ng higanteng kompanya sa training at trabaho ng mga Pilipino.

Noong Agosto 2015, pumirma po tayo ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Hanjin para maipasok sa kompanya ang 2,000 mga certified welder ng TESDA.

Tumulong din po noong 2013 ang Hanjin para maibiyahe sa Pilipinas ang mga ­training tool at equipment na donasyon ng TongMyung University sa South Korea.

Malaki po ang pakinabang ng mga trainee sa ibinigay nilang mga donasyon tulad ng dril­ling machine, CNC mil­ling, sewing machine, computer, atbp.

Pang-lima po sa pinakamalaking shipyard sa buong mundo ang Hanjin at umabot pa nga po sa mahigit 30,000 ang mga emple­yado nito sa kasagsagan ng paggawa ng barko ng kompanya sa Redondo Peninsula sa SBMA.

Dahil dito, nanga­ngamba po tayo sa kalagayan ng mga apektadong manggagawa doon gayundin ang kanilang mga pamilya.

Isa po sa mga apektadong manggagawa si Jerry de Jesus na pitong taon ng hauler ng metal scrap sa Hanjin na umaasang matutulungan siya agad ng gobyerno dahil sa kanya po nakasandal ang kanyang buong pamilya.

Kaya’t umaasa po tayo na agad aaksyunan ito ng DOLE at makakatulong po ang pagbubuo ng inter-agency task force para tiyaking mabibigyan ng alternatibong trabaho o livelihood assistance ang matatanggal na mga manggagawa tulad ni Jerry.

Dapat din pong pagtuunan ng pansin ng DOLE ang profiling ng mga manggagawa ng Hanjin para sa job-matching, re-tooling at maging skills upgrading sa tulong ng TESDA.

Nanawagan po tayo sa Hanjin, gayundin sa mga creditor bank at gobyerno na magtagu­yod ng pondo na magagamit sa re-employment ng mga apektadong manggagawa.

Sa mga matatanggal na manggagawa, may karapatan po kayo sa separation pay gaya ng nakasaad sa Article 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines.

Makakatanggap po kayo ng katumbas ng kalahating buwang sahod sa bawat taon ng serbisyo at ang panahong di-kukulangin sa anim na buwan ay ituturing na isang taon.

Dapat po kayong bigyan ng 30 days notice bago ipatupad ang pag-lay-off dahil sa pagsasara o pagtigil ng operasyon ng negosyo.
Kinikilala po natin ang tiwalang binigay ng Hanjin sa mga Pilipino at naniniwala po tayong hindi nito tatalikuran ang mga obligasyon nito sa kanyang mga manggagawa.

Job Fair Schedule

Science City of Muñoz Job Fair

PESO LGU, Muñoz, Nueva Ecija

January 16

PESO Pangasinan Job Fair

Alvear St., Capitol Complex

Lingayen, Pangasinan

January 17

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy