Tulong ng gobyerno tanging pag-asa ng mahihirap- Angara

0 419

Hindi dapat magkaraoon ng hadlang sa pag-release ng pondo para sa mga mahihirap na sektor ngayong nalagdaan na ang Bayanihan to Heal as One Act at inutos na rin si Pangulong Duterte na bigyan ng emergency assistance ang mga taong labis na naapektuhan ng COVID-19 outbreak, ayon kay Senador Sonny Angara.

Batay sa report ng Presidente sa Kongreso sa implementasyon ng naturang batas, may P141.7 bilyon na ang nai-release sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act na puwedeng gamitin para sa COVID-19 response.

“We need to utilize these funds immediately. Paulit-ulit natin sinasabi na may pera para sa mga kababayan natin na naapektuhan ng COVID-19 pero base sa naririnig natin, hanggang ngayon ay marami pa rin sa kanila ang wala pang natatanggap,” sabi ni Angara.

“Sa panahon na ito, tanging ang tulong ng gobyerno ang inaasahan ng mahihirap na pamilya para pambili ng essential goods tulad ng pagkain at gamot. Wala silang pagkukuhan ng kita ngayon kaya ibigay na agad ang tulong para sa kanila,” giit pa nito.

Sa P141.7 bilyon na nai-release sa DSWD, P108.7 bilyon ang inilaan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Mahigit P23.1 bilyon naman para sa social pension ng mga senior; P8.7 para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS); at P1.2 billion sa quick response funds.

“Wala ako nakikita na dahilan para ma-delay pa ang pagbigay ng ayuda sa mahihirap. Matagal na ito pinapatupad kaya alam na ng DSWD kung ano ang dapat gawin,” sabi ni Angara.

“Ang kinaibahan lang sa sitwasyon ngayon ay may national emergency tayo kaya mas mabilis pa dapat ang pagkilos natin,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...