Una sa Balita

Tulong ng Angat Buhay, pangmatagalan

By
0 1,086

Halos dalawang taon na tayong nakukuwentuhan tungkol sa Angat Buhay ng Office of the Vice President. Halos dalawang taon na rin kami umiikot sa Pilipinas sa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na mga komunidad.

Noong Oktubre 2018, nakita natin kung gaano karami ang mga pamil­yang naabot ng proyektong ito. Sa pamumuno ni VP Leni Robredo, unti-unti nating nababago ang buhay ng ating mga kababayan.

Maliban sa samu’t sa­ring tulong na dala ng Angat Buhay at mga partner nito, pag-asa ang higit na mahalagang naiiwan natin sa mga pamilya at komunidad.

Sa Luzon, nagtu­ngo nitong Linggo ang A­ngat Buhay sa Kia­ngan, Ifugao para tulu­ngan ang mga kababaihang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.

Dala namin ang ilang mga kasangkapan para makatulong sa mga Kiangan Pasalubong Producers Association at sa Kia­ngan Weavers Association. Pero hindi rito natatapos ang trabaho ng ­Angat Buhay.

Dahil ang layunin ng mga tulong na ito ay para mapaunlad ang pinagkakakitaan ng mga taga-Kiangan, patuloy silang babantayan at ilalapit sa iba pang mga Angat Buhay partner para mapaganda pang lalo ang kanilang mga produkto at mabigyan sila ng regular na mapagbebentahan.

Sa unang tatlong buwan ng 2018, naikot na ng Angat Buhay ang bansa mula Luzon, hanggang Visayas at Mindanao at nakabisita sa pinakamahihirap na mga bayan. Pero hindi siyempre kami naka­tutok sa pagbigay lang basta ng tulong.

Ang tulong na dala ng Angat Buhay ay para mabago ang kinabukasan ng mga pamilya sa laylayan.

Hindi lang basta dole-out kung tawagin ng naka­rarami ang nakukuha ng mga Angat Buhay community. Kung hindi natututunan nila ang kahalagahan ng pagtatrabaho nang maigi para magkaroon sila ng kakayahang baguhin ang sarili nilang kinabukasan.

Sa Visayas naman ay kapital para makapagsimula ng babuyan ang naipama­hagi sa mga taga-Eas­tern Samar.

Sa Quinapondan, Balangkayan, at Hernani, kailangan ng pagkakakitaan ang mga pamilyang hanggang ngayon ay bumabangon pa lang mula sa epekto ng typhoon Yolanda.

Kaya maliban sa mga biik na ipinamigay sa mga barangay, may kasamang pakain at gamot ito para matuto silang magpalaki. Mayroon ding pampagawa ng bahay ng baboy bilang panimulang tulong sa kanilang magiging ‘kamikitang kabuhayan’.

Ang pinakamahalaga dito ay ang pag-train sa bawat nagmamay-ari ng biik.

Sa pamamagitan ng tulong ng Agricultural Training Institute, matuturuan ang mga komunidad kung paano makaka­tulong ang babuyang ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Pati na rin kung paano nilang mapapanatiling buhay ang negos­yong ito.

Sa Lanao del Sur naman ang sa Mindanao.

Maraming mga coconut farmer sa Lanao del Sur ngunit kulang ang kanilang kapasidad para mapalago ang negosyong ito at maging sapat para sa kanilang pamilya.

Dahil dito, nagdala ang Angat Buhay ng mga kagamitan at livelihood assistance sa Small Banisilon Farmers Cooperative para sila’y tulungang makagawa ng virgin coconut oil na makakatulong magtaas ng kanilang kita.